Showing posts with label for you asshole. Show all posts
Showing posts with label for you asshole. Show all posts

Sunday, January 13, 2008

so this is life..

...like before is gone..

So--how's it going?it stinks.

it's kinda annoying when someone who've hurt you a lot is actually doing good in life. yea, maybe some things didn't work out for a good reason. but still, seeing someone you hate happy when at the same moment, youre not, kinda sucks. i'm losing it.. i just can't help myself.





i supposed i was hurt. but i'm proud of you. i wish i could tell you that.




Wednesday, December 26, 2007

Bad obssesion

We all fall for the bad guy. because the bad guy is the master of lies and deception.. we can't understand one's situation unless you're exactly in that same situation. Here's the thing, my best friend is going through stuff that i could only imagine half of it. Early today, she asked me to text his stupid and soon-to-be-ex-boyfriend to tell him she'd gone miserable without him. that she was no where to be found, and that she just informed me she had thought of killing herself..of course that was just a joke. she just wanna messed with the jerks head. Before this incident, she wanted to go to stupid guy's house or his office to make a scene..this one, she'd really consider, i just convinced her to think it over. Back to the evil chauvanist pig, he was the typical pinoy babaero, he has a wife, a kid, and my best friend is her other woman. you know how it's like..my best friend knows what she's gettin herself in when she decided to have a relationship with this guy. and we all know this isnt right, but let's not judge her for that, he loved the guy, she loves him so much, that she lost everything including practical and moral reasoning for this one..she'd been through a lot with this guy, she's taken a whole lot of sacrifice for him, he wanted her to build her world around him, he feeds her with lies and promises even when he knows he can't keep it..he's one controlling, immature, selfish, 49 yr old sex freak. he's an ass, and i never liked him. when he gets mad, he would say a lot of foul and hurtful things to my best friend, and at one point she admitted how he had hit her..they've broken up and then gotten back so many times already..and this wasn't the only time that i told her to quit it, and move on with her life. She's just blinded by this relationship that she's being all stupid. i can't blame her,as much as i want to hit her head with a bat or something hard so she could start using her brains and dump the asshat already. she's pragmatic. and her heart is just as stubborn as always..so being the best friend that i always was, i've been her shock absorber, her therapist, her shoulder to cry on since day one..but as it turns out, im not doing very good at it.. i'm not doing the right thing anymore..i, myself is just tolerating this behavior. i know she just wants to be understood..and i get her you know, i've been there, i know how it's like, i may not be the other woman, but i know how it feels like to be mistreated and be abused verbally, emotionally and physically. but she's gotta let it go. she's gotta get out of that situation before she's all too scared to do so..but no matter what i say or do, she's just too stubborn. i don't know what else to do. As far as our friendship is concerned, i know i've always been there no matter what.. but lately, i feel like i can't tolerate this bad relationship anymore.. Besides that she's being too desperate and too crazy..and she hates me when i tell her that. but she's turning into this obsessed and emotional bitch that i can't talk her out of it..she would hate him and all, but when he 'd call her, she would forgive him and let her in her life over again. Gawd..she's gotta stop already. i know she's realizing this one too..she just wont do it. and she knows it wont be easy, and she knows how i know this because i used to be in this sickening routine in a relationship ..breaking up and going back and doing the same mistakes over and over again.. and i've been obsessed with this bad behavior. i used to go on for hours talking about my stupid ex-boyfriend and how i wanted to strangle him and beat the douche bag to death. i hated him so bad that i actually wished bad things to happen to him. and yet i couldn't stop thinking about him. i didn't know exactly when, i finally get a hold of myself, and completely let everything go. i didn't know how i did it, i guess it would just happen. i just realize one day, how stupid i had been..I remember i went through the classic phase of confusion and paranoia after the relationship was over, you know-- like feeling hate and love at the same time..holding on and letting go at the same time.. moreover waking up every morning wondering about him and wishing he'd come back..or wishing one day i'll forget everything..i go about with my everyday life being haunted by his memories despite how bad it has been.and i used to like, justify his wrong doings and make it look like whatever happened, no matter how many times he cheated and lied to me, i know he loves me..So whenever he'd call, i'd forgive him, and accept him back, thinking one day he'd change. but he aint. he wont, and i guess he'll never will. And it's funny how are minds plays tricks on ourselves.. i thought i actually felt inferior to him and that i actually blame my self because of my shortcomings..i was a mess then. my stupid head, and my stubborn heart,such a messy combination.. i remember how we ended us. which is likely the closure i was expecting, we just never talked to each other anymore.. it's harder to be left hangin'..it's confusing, and as bitter as i used to be,I vaguely remember all the other things in between. when i decided i'd never wanna see him again..i started thinking straight, and think about myself.. i didn't wanna get involved with any of his ass kinds anymore. i don't want him anymore, i couldn't love a person like that. so, i changed my number, i changed everything in my life, i moved on with my single life naturally, so to speak..but it wasn't easy.. and certainly not fun to go through..but i did it..
Being in a bad relationship is hard and going through a bad break up is twice as hard..but you gotta start to think about yourself. you gotta stop letting people treat you any less than what you really deserve. it wont be hard to let go of someone who's become the biggest part of youre life, it wont be easy to start over and it wont be easy to forget all your wounds..but i guess after a while, you'll just get over it.. and you'll eventually get passed it..you see, time heals all wounds..and i hope to God that my best friend will finally realize that she deserves better and start acting on it so she could start healing her wounds.. and for the love of all that is holy, I pray that every bad guy in this world fall a flight of stairs and die painfully and slowly. bwehehehe!

xoxoxo
What‘s the saying whose the idiot, the idiot or the idiot who dates him.

Tuesday, December 18, 2007

Third Eye

Sigurado raw na mararamdaman mo kapag may multong malapit sa iyo. Tatayo ang balahibo sa batok mo... Biglang lalamig ang paligid... Iikot ang tiyan mo... Para kang biglang may kasama. May mararamdaman ka sa paligid mo kahit alam mong ikaw lang mag-isa.

Bata pa lang ako, matatakutin na ako. Takot ako sa dilim, humihina ako kapag mag-isa. Hindi ko rin kayang manood ng mga nakakatakot na palabas sa TV (gaya ng taunang November 1 special ng magandang gabi bayan), Ang palagay ko, bakit mo pagdaraanin ang sarili mo sa nakapanlalambot na hilakbot? Mas lalong ayokong makakita, o makaramdam, o makaengkwentro ng multo. Hindi ko yata kakayanin. Baka himatayin ako sa takot. ako lang talaga 'yun--- kulang sa tapang, liglig ng nerbiyos.

Hindi ko naiwan sa pagkabata ang takot ko sa dilim, at sa multo. Sa paglaki ko, nadagdagan pa nga ang mga takot ko--- tumaba, magka-cancer, bumagsak sa mga klase ko, at marami pang iba. Pero higit sa lahat ng mga ito, ang magmahal at masaktan. Natuklasan ko na hindi gaya ng takot ko sa mga multong ni hindi ko nga alam kung gawa sa hamog, o sa usok, o basta gawa lang ng imahinasyon ko--- mas nakapanghihina, mas nakapanghihilakbot pala ang magmahal at masaktan. Naranasan ko na iyon. Ang magmahal, mawalan, at halos mabaliw sa sakit. Nang mawala ka sa 'kin. para akong sira-ulong ayaw maniwala at ayaw tumanggap, parang praning na ipinipilit sa sariling "babalik siya.... babalik siya."

May mga namamatayan ng kapamilya o kaibigan na sa tindi ng pangungulila, hinihiling nila na magmulto ang namayapa na. Hindi na mahalaga kung kahibangan ito--- mabigyan lang ng kahit isa pang pagkakataon na makausap o masilayan man lang ang mahal sa buhay na inagaw na ng kamatayan.

Nang nawala ka, handa akong ibigay ang lahat, ang kahit ano, bumalik ka lang kahit sandali. Kahit sa anong paraan. kahit isang maikling text lang, o e-mail, o friendster message. Maramdaman ko lang na kahit tapos na ang lahat, mahalaga pa rin ako sa iyo. Pero walang dumating. Ni hindi ka man lang nagparamdam. Kahit na parang ritwal ko nang tinatawag ang pangalan mo gabi-gabi, wala. Wala ka na talaga. Naging mas madali nga ang pagtanggap sa pumanaw nating pagkakataon, pero kasabay nito, mas naging mapait naman ang aking pag-aayuno.

Tuloy ang buhay. Kailangan e. Natuto akong magmahal ng iba at unti-unti ring nawala ang lungkot. Naniniwala rin naman akong mayroon akong karapatang maging masaya, at mas gusto kong ngumiti kaysa umiyak. Nariyan naman ang ala-ala mo, nariyan ang pag-ibig na kahit kailan ay hindi ko na maibibigay sa iba bukod sa iyo. Pero sabi nga ng idol kong si Sharon Cuneta, "once you love someone, you never stop loving them. you just love them in newer ways." (mula sa "kung ako na lang sana"). Habang nagmamahal ako ng bagong pag-ibig, patuloy pa rin kitang minamahal. Alam ko iyan. Naroon na rin siguro ang kaalamang dahil patay na nga ang panahon natin sa paningin ni kupido, hindi ko na kailangan buhayin pa ang sakit. Tanggap ko na. Paminsan minsan nga, dinadalaw pa ng diwa ko ang mga nakakalat na lapida ng ating nakaraan. Kapag nakakarating ako sa mga lugar na noo'y nakasama kita, kapag naririnig ko ang mga awit na pinili ko para sa 'ting dalawa--- para na rin akong nagtitirik ng kandila at nag-aalay ng bulaklak sa ala-ala mo.

Hanggang sa nagmulto ka. Pakshit.

Ang sabi nila, hindi tumatawid sa kabilang buhay ang mga espiritung may mga hindi pa tapos na misyon sa mundong ito. Pakiramdam nila, may mga transaksyon pa sila sa kanilang buhay na kailangang isara at maisakatuparan. Ang iba nga raw, hindi pa tanggap na patay na sila kaya ayaw pa umalis. palutang-lutang sila, patuloy ang "buhay", ginagawa pa rin ang mga pinagkakaabalahan nila noon. Ang iba naman, sadyang naghahasik ng takot at pangamba. Sadyang gustong makarinig ng mga tili at makakita ng nasindak na mga mukha habang nagsasabog sila ng lagim.

Simpleng text lang, umikot ang mundo ko. Hindi ko alam kung magdiriwang ako o manlulumo. Nakakatuwang nakakatakot e. Sa tagal ng panahon na hinintay kong maramdaman ka, hanggang sa nalimutan ko na nga kung bakit, hindi ko na alam kung ano ang reaksyon ko. Pero, napatunayan ko noon na totoo pala: kapag minulto ka, tatayo ang balahibo sa batok mo, manlalamig ka, iikot ang tiyan mo, at sigurado ka sa presensiya ng multo sa paligid mo. "Nabuhay" kang muli sa mundo ko. Lagi ka na namang nariyan sa haraya ko. Pa’no, dumalas ka mag-text, tumatawag ka pa, paminsan minsan nagkakape pa tayo’t tumatawa habang nilulunod ang ating mga sarili sa venti mocha frap with mint syrup. Matagal na panahon akong nangulila sa iyo, kaya ang saya saya saya ko sa tuwing nariyan ka. Kahit paminsan-minsan. Kahit paunti-unti. Dahil nga mahal naman kita, tinanggap ko ang pagmumulto mo. Sabi ko, wala naman sigurong masama, pakiramdam ko pa nga ang tapang ko. Hinayaan ko nang bukas ang third eye ng puso ko. Lubos na sana ang magiging kasiyahan ko kung tuluyan ang iyong pagbabalik... pero lagi ka rin namang nawawala. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niyong mga multo iyon, parang gustong gusto niyong nagpaparamdam, manggugulat, tapos mawawala naman. Hindi ka naman nagtatagal sa mga dahilang ikaw lang ang nakaaalam. Noong simula hinihintay pa kita lagi, pero nakakapagod rin. Mahirap pala 'yun. Mahirap pala magmahal ng kaluluwa--- hindi kita mahawakan, hindi kita mayakap, hindi kita mahalikan. Malamig na hangin na lang ba talaga ang magiging katumbas ng pag-ibig ko?

Para sa mga taong may kakayahang makakita ng mga espiritu at ibang nilalang, wala raw ibang mas maiging gawin kundi tanggapin ito. Sumpa man o biyaya, hindi na mahalaga. May dahilan lahat ng bagay sa mundo. Baka nga paraan na rin ng Diyos na buksan ang ikatlong mata't ikaanim na pandama ng ilang tao sa mundo... mabigyan man lamang ng pagkakataon ang mga alagad ng kabilang buhay na marinig at maintindihan.

Mahal pa rin kita. Pakiramdam ko, alam mo naman iyon e, kaya ka nga matapang magmulto. Pero magkaiba na tayo ng mundo, marami nang nagbago. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong magparamdam gayong wala ka na rin namang kayang gawin na paraan upang tuluyang magbalik, upang muling mabuhay sa mundo ko. Nang-aasar ka lang ba talaga sa pagdalaw mo? Kung hindi, ano ba ang "unfinished business" mo? Ano bang maitutulong ko? Sapat na ba sa iyo ang ganito--- ang mahalin natin ang isa't isa sa magkabilang mundo, sa magkaibang paraan? Iyon lang kasi ang maibibigay ko. At alam ko... hanggang du'n lang rin ang kaya mo. Patuloy na tatakbo ang buhay ko. At sa tuwing mumultuhin mo ako, ngingiti na lang ako. Oo, tatayo pa rin ang mga balahibo ko sa batok, manlalamig at iikot pa rin ang tiyan ko... Pero hindi na ako matatakot.

Hindi ka totoo.

xxstaRrxx

Wednesday, December 5, 2007

kamusta

Alas kwatro na ng madaling araw pero gising na gising pa ko ng ala-ala mo..nakakabingi ang katahimikan sa paligid ko, ang weird lang, sa mga oras na to, ramdam ko ang presensya mo na binuo ng imahinasyon ko.. Shanga pala, kakarating ko lang. medyo nakainom eh wala lang, libre sayang naman. naalala naman kita. ang hilig mo din sa inumang libre dati. sinasabay mo nga ang schedule ng mga date naten sa berdeyan ng mga kakilala mo para libre na din pagkain at celebration naten. Bilib din ako sa abilidad mo magtipid..masaya din eh..Wala lang, naalala lang kita.

......kamusta? Anak ng pating. Nabigla yata ako. Nasent ko ba? fuck.

Kamusta?
message details:
To: Happy
(o906-toot)
Sent: 12:59:57
4-Dec-2007

..ano un? pakshet! san galeng yun.. pasensya na kung nabulabog kita.. peste di ko din alam kung bakit. hahara-hara kasi pangalan mo sa phonebook ko..hindi naman kita namimiss. sa totoo lang, ang laki parin ng inis ko syo..oh well. naisip lang talaga kita..hindi ko na ide-deny. at hanggang ngayon naiisip ko parin ang kawalanghiyaan na ginawa mo saken..etchuz. hahhaa..ilang taon na bang nakalipas? pakiramdam ko parang kelan lang..pero alam kong sobrang tagal nang tinapos ni kupido ang pagibig na sinumpa ng kamalasan..lol. Nakalagpas na din naman ako sa stage ng pagiging bitter sa mga nangyari.. ngayon, magkaiba na tyo ng mundo, alam ko yun, naisip lang talaga kita ngayon. walang malisya..(churva) hehehe..

kinabukasan..aba at nagreply ka.."Cnu to?" nacurious ka naman kung sino nangumusta syo..mahalaga pa ba yun? shempre hindi na kita sinagot. mabuti na yung ganito, kanya-kanya na tayo ng mundo..pero sa reply mong yun, medyo nawindang naman ang mundo ko..hindi ako napakali, parang trumpo..tulad ng minsan sinilip mo ang friendster ko..anak ng, after ilang buwan kong nagintay, at nangarap at nagdasal na sana, sana, kahet sa anu mang paraan magparamdam ka, mapatunayan ko lang sa sarili ko kahit panu, naaalala mo din ako..aba, sana naman nagiwan ka narin ng message. hehehe. kung sabagay parang mahirap na din para saken ang gawin yun..naisip ko din magpakilala at sagutin yung reply mo..pero, buti na lang, napigilan ko pa sarili ko..wala na din naman siguro tayong mapaguusapan pa, hanggang kamustahan na lang..aminin ko man curious din ako sa mundo mo ngayon..hanggang dun na lang siguro..hindi pa ko handang makipagkaibigan syo. Hindi ako galit, kesehodang wala kang kerr dun, bakit naman ako magagalit eka nga, isa din naman akong walanghiya. Tuwing naiisip kita, naiisip ko lang kung ano ang naging silbe mo sa buhay ko bakit nakilala pa kita, kung bakit naging tayo pa. Parang kang bagyong dumaan, at nagiwan ng matinding katastropiya sa puso ko, at kahet naayos ko man ang sarili ko,pagtapos ng bagyo, andon parin ang alaala ng pagsira mo.nakana.. anyway..masaya ka naman ba sa buhay mo? sana masaya ka, ako minsan masaya, minsan, bwisit parin sa mundo..alam mo na yun. hindi naman pwedeng lageng masaya diba. Alam mo bang paminsan minsan sinisilip ko friendster mo, kahet nakaprivate profile ka, 'the search is over' naks naman na mga tirada yan. putcha, sana naman, mag-update ka ng piktyur..wala lang, gusto ko lang makita itsura mo ngayon..hehehe.. paminsan minsan may nasasagap din akong balita, shempre, naging kaibigan ko rin mga kaibigan mo..minsan nagtatanong din ako, pero madalas, iniiwasan ko na din na malaman pa kung ano pa man ang nangyayari sa buhay mo.. hay..wala na kong masabi.. ingats! so panu,kamusta na lang?